Tuesday, September 14, 2004

In Memoriam

Kachorra
December 2003- May 2004
1979 Volkswagen Beetle
NLK770

Tunay na maraming alaala ang nabuo sa maliit na kotseng ito. Nang una ko itong ginamit papuntang Katipunan Avenue, may kakaibang pakiramdam akong nadama. Parang may natamo akong tagumpay. Nabagtas ko ang isa sa mga mapanganib na kakalsadahan sa Metro Manila. Dahil sa kotseng ito, lalo akong naging confident sa buhay (cheesy di ba?) Pero korny man pakinggan, tunay ngang binago ni Kachorra ang buhay ko.

Halos lahat ng MG ay nakasakay na dito. Naalala ko ang isang gabi galing sa Ortigas Center papuntang Ateneo at UP. Sakay pa nun sina Elgin, Josef, Mario at Janjan. Yun ang unang araw ng MG day na may Kachorra. 'Stig. Pagkatapos noon, sumakay pa sina Vip, Paolo at Wendell pagdating ng Katips. Walang katapusang pag-ikot sa QC circle ang nangyari, medyo nakakahilo nga eh. Tapos tumigil ng sandali upang tingnan ang mga "paninda" sa kalsada na iyon. Nakakatakot ngunit nakakatawa din.

Nawala pa sa likod ng SM North. Scary di ba? Ngunit nakapunta rin sa Timog at kumain sa Hotshots sa tabi ng ABS.

At papunta na sanang Bed nun nang bigla na lang umusok si Kachorra sa may Cubao. Sabi nga ni Wendell: "Bretch, Bretch, umalis ka dyan, baka sumabog." Ayan napurnada na tayo.

Salamat sa Diyos at natuloy din isang gabi ang pinanabikan. Di naman complete attendance nun, at least nakaBedang na. Sina Mario, Paolo, Armen, Wendell, Janjan ang kasama nun. Kumarera si Paolola. Exciting nga. Si Janjan, alas kuwatro na nang kumarera. Sabi ko, "Janjan, we need to go." Tapos, naligaw pa kami sa South Expressway mula Maynila. (ang taray no?) Sa Merville Exit na yata lumabas. Natulog ng sandali sa house ni Jan tapos bumulaga ang Vienna Sausage and Eggs breakfast sa table nila.

Maraming beses rin akong tinirik ni Kachorra, mabuti naman at hindi ako natsugi. Isang insidente noon ay tumirik siya sa may construcution sa Katips, buti na lang at may malapit na talyer dun. Alternator, Fan Belt, change oil, wiper, atbp. Nagets ko na rin siya. Tandaan: walang radiator ang Volks ha.

Kachorra: sa lahat ng kotse ko, ikaw pa rin ang number one. Paalam na...

No comments: