Thursday, August 05, 2004

how many times should you accidentally see a person?

Marooned six times: Matagal nang yan ang title ng blog ko pero di kami pareho ng color ngayon. Pero kahit papaano six times ko pa rin siya nakita. Sana naman tigilan ko na itong pagiging torpe ko. Sana, maging friend ko na siya. Lahat ata ng friends ko friend na siya, except for me.

Character flaw ko talaga ang mawalan ng salita kapag nasa critical moments na nang buhay. Kaya siguro wala pa akong boyfriend ngayon kasi mabagal ako, mahina, walang diskarte. Lahat ng bagay na gawin ko laging half-baked, kulang at not enough vitamins. (kulang sa buhay-commercial)

Lahat nalang ng taong nakakausap ko, sabi nila di daw kami bagay. Masyado daw kaming pareho ng ginagawa. Ewan ko lang ha. Sabi lang nila yon. Bahala na. Bathala na.

Sabi ng iba, baka pinaasa lang niya ako. Ok lang yun. Maghihintay ako, hanggang sa dulo ng walang hanggan. (masyadong pang teleserye) Pero sa totoo lang, ganyan talaga ang buhay, hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin mo ka niya. Madalas na madaya ang tadhana. Ganyan lang talaga ang tadhana ko.

Kilala niya kaya ako? Alam niya kaya na ako yung nakachat niya noon? Alam niya kaya na ako yung nag-add sa kanya sa friendster? Lagi ko siyang nakikita. Lagi niya akong nahuhuling tumitingin sa kanya? Alam niya kayang mahal ko siya? Baka... baka... baka hindi, baka hindi niya ako mahal... baka lang. Pero mahal ko siya.

No comments: