Wednesday, November 29, 2006

sa pag-ikot ng mundo

Ang bilis nga naman ng panahon. Sa loob ng isang taon, marami ng drama ang nangyari sa buhay ko. Marami na ring bagay na akong natutunan tulad ng pakikipaglaban para sa tama, sa hustisya at sa tunay na pag-ibig. Pero meron ding mga bagay na hindi maituturing na natutunan pero nakakatulong sa pagyabong ng pagkatao ko. Sa buhay ng tao may pagkakataon na nagkakaroon ng pinapapili ka sa dalawang bagay o sitwayson. Hindi ito katulad ng pagpili sa tama o mali dahil maaring maging tama ang bawat landas na maaring tahakin. Sa wikang Ingles ito ay matatawag na dilemma. Pero dahil likas sa tao na pumili ng isang bagay na mas makakabuti sa kanya, dito papasok ang pagiging relatibo ng salitang "mabuti." Ang isa ay maaring makabuti sa aking karera sa industriya, ang kabila naman ay makakabuti sa aking pansariling kaligayahan, ano nga ba ang mas matimbang. Sa huli, pareho ding magpapayabong ito sa aking pagkatao, at ang pipiliin ko ay babago sa takbo ng aking buhay. Ang kinakatakot ko lang ay wala nang balikan kapag ito ay napili na. Napakasakit para sa akin na magkamali, pero sa totoo lang, lahat naman ng bagay ay may mga bahaging mabuti o kaya naman ay masama. Napakabilis nga talaga nang panahon, parang kailan lang ay nag-uupisa pa lang kami, at ang karera ko ay binigyan ng panibagong pagkakataon, pero ngayong nalalapit na ang araw na kailangan kong magdesisyon muli. Hindi mo nga talaga makukuha ang lahat ng mabuti. May paraan ang mundo upang balansehin ang lahat ng bagay. Kung puwede nga lang tumigil ng sandali ang pag-ikot ng mundo.

                                        *      *      * 

Maiba naman ako, maraming salamat sa mga taong bumati sa 'kin sa aking ika-21 na kaarawan noong Pambansang Araw ni Pacquiao, Nov. 19, 2006. Ito'y sina Elgin, Dick at Janjan! Hayaan niyo, babawi ako sa inyo ngayong pasko. Abangan na lang ninyo.

No comments: