Wednesday, November 29, 2006

cheers to a very long weekend

Walang pasok sa Friday. Yuhoo! Sana maayos na itong nilalakad ko. Dahil palapit na ang pasko, ang aking pangarap ay sana maging masagana at makabuluhan ito. Kung walang masyadong aberya, matutupad din ang mga nakapila kong mga aguinaldo. Ayan, nasabi ko pa tuloy dito, baka mamaya hindi na mangyari ang mga ipinangako sa 'kin.

                *       *       *

Hindi ba medyo halata na bored ako ngayon. Hahahaha.

Sabi ko nga noon, nakakapag-blog lang ako kapag masyado akong maraming oras para magpakatamad, o kaya kapag may dinaramdam ako. Wala naman akong dinaramdam. Ngayon kasi nasa community immersion siya ngayong semestre na ito. Kaya ayan, panay ang blog ko ngayon. Kaming dalawa lang ng katulong ngayon sa bahay. Buti na lang sa Thursday andyan na siya.

                *        *        *

Buti pa si Philipp, magiging British citizen na, kasama ng tatay ko. Burgundy ang passport ng British national, taray di ba. Mag-aral na lang daw ako dun. Pero sa tingin ko mag-aalaga lang ako ng kapatid ko dun! Kamusta naman ang karera natin di ba? Pero siguro sa katapusan ng aking pinahabang buhay sa kolehiyo, magbabakasyon ako dun! Ngayong pasko naman, dito lang ako sa makulay na pasko sa Pinas.

No comments: