Saturday, March 31, 2007

Let's dance, the last dance, tooonniiigghhtttt...

Marahil eto na ang mga huling oras ko sa skul bilang isang mag-aaral. Hinihintay ko na lang ang pirma ng accounting office at maayos na ang clearance ko.

Ang weird nga sa library kanina e. Nung magpapapirma ako dun sa circulation section sa second floor, nakita ko yung library account ko. Pagkapirma ng clearance, pinindot na ng library personnel yung delete button. Sabi ko "Dinelete nyo na account ko?" Sumagot siya "Oo, di ka na makakahiram dito. Congrats!" 

Kahit hindi naman ako kuminang nung college, sa dami ba naman ng drama sa aking buhay ay marahil pwede nang gawan ng star-studded na teleserye. Pero kahit ikuwento ang bawat pangyayari, iba pa rin kung nadama mo ang bawat kaba, bawat saya, bawat lungkot, bawat luha at bawat ligaya ng isang sitwasyon.

Sana nga at marami pang nakalaan na matututunan sa susunod na mga pagsubok ng totoong mundo sa labas ng pamantasan.

No comments: