Wednesday, August 23, 2006

sa ilalim ng puno ng eucalyptus.

Kaninang tanghali, nung nag-aaral kami ng groupies ko sa theo 151 para sa group orals kay Ms. Tessa Rosana, biglang napag-usapan ang future. Ano ba daw ang gagawin namin pagkatapos ng college? Sabi ng isa, magtratrabaho daw siya sa P&G, nakuwento niya na yung friend niya na na-ex-pat sa Singapore ay six digits daw ang starting salary. Well, totoo nga na pag ex-pat ka ay mas malaki ang bayad sayo, at in dollars pa. Pumasok sa isip ko yung prof namin sa Finance dati na si Sir Don Lim, sa P&G din daw siya nagwork. Malaki din naman ang sweldo pero bigla ba naman nagturo sa school na to. Bakit kaya, di ba its all about the money naman sa mundo na to? Yung isang girl naman sa group namin, kinuwento din na may kakilala siya na nasa states na cum laude, ang suweldo ay 500 dollars per month. Whoah, grabe, kahit di ka magtrabaho ng ilang buwan ay buhay na buhay ka pa rin. 

Umentra naman ang Bretchay niyo sa usapan, sabi ko, "pano naman ang happiness?" Natahimik ang mga lolah niyo.

No comments: