Tuesday, April 12, 2005

Opening Message for the New School Year

Sa buhay, may mga bagay-bagay na tunay kong mahal. Ngunit minsan kahit
ibinigay ko na ang aking panahon, puso at damdamin, hindi
nangangahulugan na mamahalin na rin ako ng bagay na iyon.

Kung niloloob ng Diyos mangyari ito sa buhay ko, marahil nga batay ito
sa kanyang plano para sa sangkatauhan.

May mga bagay din na hindi ko talaga minahal. Handang-handa na akong
mawala ang mga bagay na ito ngunit naroroon pa rin ito. Nakapagtataka
di ba? Nang maglaon, natutuhan ko ring magkaroon ng pagpupursige upang
mahalin din ang bagay na ito.

Sa kasalukuyan, kahit marami na along pagkakamaling nagawa sa aking
pag-aaral, andito pa rin ako sa kolehiyong hindi ako binigo. Sa awa ng
Diyos pareho pa rin ang course ko. Ngayong ko lang napatunayan na kung
nararapat talaga sa iyo ang isang bagay, magkakaroon at magkakaroon ng
paraan upang makuha ko yun.

Masaya din ako dahil magiging masaya ang aking mga magulang dahil
hindi ko rin sila binigo. Fourth year na ako, medyo mahuhuli lang ng
isang sem pero sana makatapos din.

Saka na siguro ang pag-ibig. Maraming beses na akong nagsumikap.
Ibinigay ko na ang lahat ngunit hindi talaga nagtagpo. Masaklap, pero
sana matutunan ko ring makalimot. Sabi nga nila: "All in God's time."

No comments: