Wednesday, December 07, 2005

Bam! it hits you.

Kagabi lang, nakipagkita ang isa sa mga friends ko sa kin. Hingi daw sya ng advice. Binigay ko naman. Sabi ko: (kahit baduy sabihin)

"by the time you truly experience God, thats the time na ingngudngod ka nya sa putikan."

And after that, na-hold up ako.

Hayy.

Grabe ha.

Tuesday, November 08, 2005

Back to the Future

siya ang first love ko.
dito nagsimula ang lahat
ang mga pangarap naming magbabarkada
at mga samahang di kailanman malilimutan
nagkahiwalay man ng isang taon
manunumbalik ulit ang nauna.
iba na ang may pinagsamahan.



ang pagbabalik ni kachorra.

Tuesday, September 27, 2005

the tail end of September to remember

patapos na nga ang buwan
at ang mga blockmates ko patapos na rin
ako naman mag-LOA na.
alis na akong papuntang UK.

so? ano na kaya mangyayari?
wala pa rin.

good luck sa kanya.
sana maging happy kami lahat.

"coz im leavin on a jetplane
i dont know when ill be back again..."

Thursday, August 18, 2005

Friday, April 22, 2005

oh oh o-huh yeah

friday nanaman.

just the usual summer afternoon na makulimlim.

parang uulan.

i dont believe such crap pero totoo nga ang sinasabi sa zodiac matches ko.

sheesh.

Tuesday, April 19, 2005

ang pagbabalik ng natatanging bituin

for more or less than six months, my blog account was on its shutdown mode for the reason that i had to focus my time to something.... someone?

to put it bluntly, bored ako at wala na ang aking minamahal. kay tagal na nang huli ko syang nakita. inaway ko kasi eh.

siguro nakakapag-blog lang ako kapag hindi ako in-love o wala akong ka-date. this means that yes, im back to the supermarket again even though wala 3-month emotional guarrantee.

the weird thing is that ngayon ko lang nalaman kung saan sya nakatira. i dated this guy named ken a few hours ago and he was from the beautiful city of marikina. i told him that i dated someone from marikina before. yun pala malapit lang siya dun at kilala pa niya. magkachool-mate daw sila, tapos nung dadaan ako sa street nina ken, i almost missed the turn. nung nalaman niya na kilala pala niya si jeff, yung street na yun ay papunta pala sa kanila.

gosh, i sooo not over him.

like i always say sa buhay, "all in GOD's time"

Tuesday, April 12, 2005

Opening Message for the New School Year

Sa buhay, may mga bagay-bagay na tunay kong mahal. Ngunit minsan kahit
ibinigay ko na ang aking panahon, puso at damdamin, hindi
nangangahulugan na mamahalin na rin ako ng bagay na iyon.

Kung niloloob ng Diyos mangyari ito sa buhay ko, marahil nga batay ito
sa kanyang plano para sa sangkatauhan.

May mga bagay din na hindi ko talaga minahal. Handang-handa na akong
mawala ang mga bagay na ito ngunit naroroon pa rin ito. Nakapagtataka
di ba? Nang maglaon, natutuhan ko ring magkaroon ng pagpupursige upang
mahalin din ang bagay na ito.

Sa kasalukuyan, kahit marami na along pagkakamaling nagawa sa aking
pag-aaral, andito pa rin ako sa kolehiyong hindi ako binigo. Sa awa ng
Diyos pareho pa rin ang course ko. Ngayong ko lang napatunayan na kung
nararapat talaga sa iyo ang isang bagay, magkakaroon at magkakaroon ng
paraan upang makuha ko yun.

Masaya din ako dahil magiging masaya ang aking mga magulang dahil
hindi ko rin sila binigo. Fourth year na ako, medyo mahuhuli lang ng
isang sem pero sana makatapos din.

Saka na siguro ang pag-ibig. Maraming beses na akong nagsumikap.
Ibinigay ko na ang lahat ngunit hindi talaga nagtagpo. Masaklap, pero
sana matutunan ko ring makalimot. Sabi nga nila: "All in God's time."